Abante Tonite Interactive

Mga illegal recruiter itumba

0 97

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin ang sinumang masasangkot sa illegal recruitment

“Sinasabi ko sa inyong mga illegal recruiters, huwag kayong pumasok diyan. ‘Pag ako naubusan ng pasensya, patayin ko kayo, simple,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa ika-156 birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan.

Ayon kay Duterte, hahabulin niya ang mga illegal recruiter tulad ng kanyang ginagawa sa mga illegal drug dealer.

“There are so many vultures [in this] illegal recruitment and one of these days I will raise you to the le­vel of a drug problem and I will take care of you,” ayon kay Duterte.

Magugunita na hiniling ni Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga illegal recruiter na bumibiktima ng maraming Pilipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa. (Juliet de Loza-Cudia)