Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga illegal recruiter nagkalat sa dating app – POEA

0 105

Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga Filipino overseas jobseeker na huwag magpaloko sa mga ilegal na recruiter na nananamantala sa mga online dating app at website.

Ito’y makaraang makatanggap sila ng ulat mula sa mga nalokong indibidwal na inalukan ng umano’y migration at trabaho sa ibang bansa, gaya sa United States at Canada, sa mga nasabing online platform.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa POEA, gumagamit ang mga scammer ng pekeng cyber identity o catfishing upang kontakin ang mga bibiktimahin na interesado sa dating apps o mutual connections.

Kapag nakuha na ng scammer ang loob ng biktima ay mag-aalok na siya ng trabaho, at magpadadala ng pekeng job contract at company profile. Doon na siya manghihingi ng bayad para sa pekeng work document.

Kaya pinayuhan ng POEA ang mga jobseekerna laging iberipika ang overseas job offers sa pamamagitan ng POEA Verification System sa kanilang website (www.poea.gov.ph) o email (connect@poea.gov.ph). (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.