Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ilog sa Mindanao umapaw

0 180

Inalerto ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga local governments sa Mindanao kasunod ng naitalang pag-apaw ng mga ilog sa Bukidnon bagamat hindi pa ramdam ang epekto ng Bagyong Bising.

Ayon kay Pagasa Hyrdologist Victor Flores, naobserbahan nila ang biglaang pagtaas ng tubig sa Bubunawan River na nasa 1.59 meters gayundin sa Tumalaong River na tumaas ng 0.61 meters sa loob lang ng 1 oras na pag-uulan sa lugar dala ng localized thundertorms.

Nagbabala ang Pagasa na dahil apaw na ang mga ilog, sakaling magkaroon ng pag-uulan dala ng Bagyong Bising ay maaari itong magdulot ng flashfloods. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.