Abante Tonite Interactive

Mga Iloilo mayor aprub sa unified quarantine pass

0 436

Nagkaisa ang mga local government unit (LGU) sa lalawigan ng Iloilo, sa pamamagitan ng kanilang mga barangay council, na maglabas na lamang ng iisang enhanced community quarantine pass.

Napagkasunduan ng mga alkalde ang pag-isyu ng unified quarantine pass sa kanilang pulong kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. noong Lunes ng hapon na ginanap sa bayan ng Santa Barbara.

Hiniling ni Defensor na magkaroon na lang ng unified quarantine pass para hindi malito ang mga tao at mapabilis ang pagbiyahe sa bawat bayan at siyudad ng Iloilo.

Napansin kasi na magkakaiba ang polisiya sa pagpapatupad ng quarantine pass ng mga LGU sa Iloilo.

Ayon kay San Enrique Mayor Mediatrix Fernandez, na siya ring presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Iloilo Chapter, magagamit ng mga tao ang unified quarantine pass para sa mga sumusunod:

* kapag may bibilhin na kinakailangang gamit para sa bahay

* kapag may bibikhing gamot

* papasok sa trabaho o may aasikasuhin na alinsunod sa mga isinasaad ng

Executive Order No. 080 (“An order enforcing an enhanced community quarantine over the entire province of Iloilo for stronger protection against the coronavirus disease 2019).”

Sa nasabing kautusan, ang mga emleyado/manggagawa na maaaring makakuha ng quarantine pass ay ang mga nagtatrabaho sa mga sumusunod:

* municipal public market

* supermarket, sari-sari store, grocery store, convenience store, at bakeshop

* restaurant, fast food chain at food stall (subalit para lamang sa mga take out order)

* water-refilling station

* hospital

* medical/dental clinic, medical facilities, diagnostic center, at laboratory

* pharmacy

* planta/pabrika na gumagawa, nagpoproseso o imbakan ng mga pangunahing food product at mga pangangailangang pangkalusugan

* bank, pawnshop, money transfer services, at payment at remittance center

* mga public utility para sa transportation, power, energy, water, telecommunication, at cargo handling

* agricultural supply store, gasoline station, liquefied petroleum gas store/outlet)

* funeral homes (subalit pinagbabawa ang lamay)

* media

* business process outsourcing at knowledge process outsourcing.(Prince Golez)