Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga inabuso ayaw magreklamo! Art school ‘manyak’ naligtas sa kaso – NBI

0 65

Dahil sa kawalan ng opisyal na reklamo ay natuldukan na ang imbestigasyon sa napaulat na sexual abuse laban sa isang opisyal ng Philippine High School for the Arts (PHSA).

Base sa isinumiteng report ng National Bureau of Investigation sa tanggapan ni Vice-President Sara ay lumalabas na walang mga kasong isinampa laban sa mga opisyal ng PHSA.

Nauna rito’y isinagawa ng NBI ang imbestigasyon sa kahilingan na rin ni Duterte hinggil sa mga alegasyong sekswal na pang-aabuso at harassment na iniulat online ng mga dating estudyante ng PHSA laban kay Alvin Miclat, ex-‘house parent’ and Human Resources head ng nabanggit na paaralan.

“Regrettably, of all the victims who initially gave their unofficial statements and shared their experience on social media and during interviews, none are willing to file formal complaint against Miclat,” ayon sa NBI.

Si Miclat ay inakusahan ng “unclasping a bra of a student and making the students sit on his lap.”

Bilang isang house-parent, trabaho nitong pangalagaan ang kapakanan at pangangailangan sa paaralan ng mga mag-aaral.
Nag-resign sa iskul si Miclat bilang Human Resources matapos na sumabog ang eskandalo sa social media.

Base sa NBI report, may dalawang dahilan silang nasipat sa kawalan ng interes ng mga sinasabing biktima na maghain ng reklamo.

“Their lack of interest is owed either to the length of time that had elapsed after the incident, or due to their hesitation in being involved in a long drawn legal proceedings,” ayon sa NBI report.

Para malinis ang pangalan ay lumutang si Miclat sa NBI at nagboluntaryong sumailalim sa polygraph test pero lumabas sa resulta ng test na nagsisinungaling ito, ayon sa NBI report.

“Indicative of deceptions when asked questions crucial to the investigation and allegations against him,” nakasaad pa sa ulat.

Ayon pa sa report na ang ibang biktima ay nakatira na sa abroad at wala nang intensiyong panagutin si Miclat.

“They are all in unison that the only reason they came forward so that appropriate measures would be taken with the goal of avoiding more occasions of molestations from taking place in the future,” nakasaad pa sa report.

Ang NBI team sa pangunguna ni Supervising Agent Eugene Javier ay nakakita ng mga butas sa aksiyon ng iskul para tugunan ang naiulat na sexual harassment. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.