Abante Tonite Interactive

Mga insentibo sa HB 313 gagawing kaakit-akit

326

Inaasahang ipapasa agad ng Kongreso ang ikalawang tax reform package ng administrasyong Duterte, ang “Tax Reform for Attracting Better and High Q­uality Opportunities or TRABAHO (HB 313) na sadyang nakatuong ga-wing ‘globally competitive investment hub’ ang bansa sa pamamagitan ng magagandang mga insentibo para sa mga maumuhunan.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, pangunahing may-akda ng TRABAHO, layunin nito na ibaba sa 20% ang kasalukuyang 30% buwis sa ‘corporate income’ at tiyaking ito ay magdudulot ng pinakamagandang mga benispisyo gaya hi-git na malaki at malawak na pamumuhunan, higit na kapaki-pakinabang na mga trabaho at mataas na antas ng teknolohiya.

Titiyakin din ng HB 313 ang patas at hayag na pananalaping insen-tibo, at tama at higit na mabisang pangangasiwa sa pagbubuwis ng mga korporasyon. Tinatawag din itong TRAIN 2, dahil sa “Tax Reform for Acce-leration and Inclusion” na naisabatas na.

Ang TRABAHO ay itinuturing na pinakamagandang sistema ng ‘tax incentives’ sa buong Asia ai inaasahang pabibilisin nito lalo ang pagsulong na pambansang ekonomiya, kasama na ang mabilis na paglago ng ‘gross domestic pro-duct’ (GDP), malalaking impraestraktura ng programang “BUILD, BUILD, BUILD” at masisiglang manggagawa, dagdag ni Salceda.

Pinagkakalooban din nito ng kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng insentibo sa mga proyektong may kumprehensibong ‘sustainable development plans’ at tiyak na magdadala ng mga US $200 milyong pamumuhan sa bansa at ‘income incentives’ sa loob ng 5 taon, at aalisin na ang pangmatagalang 5% na libreng buwis sa ‘gross income earned (GIE)’ at lilimitahan na ang ‘income tax holidays’.