Abante Tonite Interactive

Mga iskolar iaangat ng AiTECH, Nanyang Polytechnic

212

Para mas mapalakas pa ang ‘innovation & entrepreneurship’ technical knowledge at skills ng mga scholar, lumagda sa isang kasunduan ang Antipolo Institute of Technology (AiTECH), sa pangu­nguna ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares, at Nanyang Polytechnic (NYP) ng Singapore.

Ang AiTECH, ang unang city college sa bansa at Asya na may kursong Bachelor of Science in Construction Engineering (BSConE).

Isa rin ito sa mapa­lad na napili ng NYP na maging partner sa mga technical exchange program kasama ang University of the Phi­lippines (UP) Diliman Campus at ang main campus ng Philippine Science High School sa Quezon City.

Bunga nito’y minungkahi ni Director Yang Tien ng NYP na magkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng NYP at ng AiTECH na pinirmahan naman ng bawat partido kamakailan.

Mga magagandang proyekto at prog­rama ang napapaloob sa MOU na magiging malaking pakinabang sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral ng construction engineering. Kilala kasi ang NYP sa bansang Singapore sa larangan ng edukasyon na may kaugnayan sa Engineering, Information Technology, Design, Interactive & Digital Media, Che­mical & Life Sciences, Business Management at Health Sciences. Ito rin ang kauna-unahang tie-up ng AiTECH sa isang international edu­cation institution.

Malaki ang tiwala ni Mayor Ynares na sa pagkakaroon ng mga ganitong partnership sa mga local at international educational institution ay patuloy ang paghubog ng AiTECH ng mga engineer na pang-world class.