Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga iskwater inuubos puno – Digong

0 429

Ibinato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mahihirap na pamilya ang dahilan kaya nauubos ang mga puno sa bansa.

“`Yong average Pilipino, they cannot afford a concrete house so halos lahat dyan, let us use the word being understood by all, `yang mga squatters, puro kahoy `yan. Bibili `yan including coconut wood,” giit ng Pangulo sa kanyang lingguhang ulat sa bayan Martes ng gabi.

“Ang problema niyan, sa bukid, talagang magpuputol ‘yan ng kahoy, because ang mga Pilipino, ‘yan lang (ang kaya). Saan naman sila kukuha ng semento? Where do they cut the trees? In Canada? Or pupunta pa sila sa South America o Africa? So kung anong makita nilang nabibili sa small-scale… karamihan ‘yan ang ginagawang bahay ng mga tao,” dagdag niya.

Sabi ng Pangulo, tumataas ang pangangailangan na masisibak na puno habang taun-taong nadadagdagan naman ang populasyon ng bansa.

“Magtatayo ng bahay, and the temptation to cut the trees and bring it there to the lower land ay really to build houses, kaya ‘di ‘yan mawawala,” aniya pa.

Aminado ang Pangulo na hindi rin niya malaman kung ano ang gagawin para malutas ang problema sa illegal logging.

Una nang inutos ni Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang mga illegal mining at illegal logging activity sa Cagayan Valley, matapos magkaroon ng malawakang pagbaha sa rehiyon na ayon sa mga lokal na awtoridad ay dahil sa pag-ulan noong bagyong `Ulysses’, siltation ng Cagayan River, at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.(Riley Cea/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.