Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Ispiritu, Biglang Sulpot tuwing Alam-3 ng Madaling Araw

0 951

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-#Misteryo marami ang nagsasabi na totoong paranormal ang alas-3 ng madaling araw. Batay sa mga eksperto, magkadikit ang dimensyon ng mga buhay sa dimensyon ng mga ispiritu tuwing alas-3 ng madaling araw.

Ito ang karanasan ni Hector ng Pasay na sa tuwing alas-3 ay lagi siyang nakakakita ng mga nakalutang na kaluluwa, naglalarong mga batang multo at biglang sulpot ng mga itim na ispiritu.

Nang kausapin ng Misteryo si Hector, hindi niya itinanggi na matagal na siyang nakakakita ng mga ispiritu mula pagkabata.

Misteryo: “Tuwing alas-3 mo lang ba nakikita ang mga kaluluwa at iba pang ispiritu?”

Hector: “Kahit anong oras nakikita ko sila pero kakaiba pag alas-3 mas marami sila hindi pa ako halos kumukurap biglang may kasunod na sumusulpot.”

Misteryo: “Bakit? Bakit sila nagpapakita sayo? Sinubok mo bang magtanong?”

Hector: “Wala akong maisip na dahilan at hindi rin ako nagtanong. Pero maaaring Tama yung sinasabi na tuwing alas-3 ng madaling araw ay nagsasalubong ang dalawang dimensyon kaya nakakatawid sila dito sa mundo natin.”

Misteryo: “Maaaring attracted din sila sayo kasi nakikita nila enerhiya mo. Sabi nga ng mga paranormal expert alam ng mga ispiritu kung sino ang mga tao na nakakakita sa kanila.”

Hector: lMaaaring ganun nga yun pero kontrolado ko naman abilidad ko. Parang ilaw na kaya kong I-switch off at switch on kung gusto ko.”

Misteryo: “Tanong ko lang: nakakita ka na ba ng Anghel o Demonyo?”

Hector “Wala pa kong nakita na nilalang na may pakpak pero nakakita na ko ng maliwanag na nilalang at sobrang itim na enerhiya.”

Marami na rin akong nakausap na mas madalas silang makakita ng mga gumagalang kaluluwa, mga multo, mga elemento at maging ekstra-terestriyal tuwing alas-3 ng madaling araw. Sa totoo lang bukod sa ganitong mga karanasan, malakas din ang enerhiya ng pagdarasal sa ganung oras.

Sa ating mga ka-Misteryo baka meron kayong katulad na karanasan ni Hector. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.comat abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.