Abante Tonite Interactive

Mga jail officer may lingguhang field trip sa Manila Bay

By
212

Magiging lingguhan na ang pagbibisita at paglilinis ng mga taga-Bureau of Jail Management and Peno­logy-National Capital Region (BJMP-NCR) sa Manila Bay bilang pakikiisa sa programa ng administrasyong Duterte sa pagsasaayos nito.

Isang makabuluhang araw para sa pamunuan ng BJMP-NCR sa ilalim ng pamumuno ni Jail Chief Supt. Ignacio Panti matapos ang mahigit tatlong oras na paglilinis sa Manila Bay noong Linggo ng Marso 10, 2019.

Ito ay bilang pakikiisa ng BJMP sa isinusulong na pagsasaayos at paglilinis ng Manila Bay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Abante Hiring – IT dep

14 na jail ang lumahok sa paglilinis nitong linggo kung saan kasama ng kani-kanilang mga warden at mga tauhan, dala ang kani-kanilang sandata sa paglilinis.

Kabilang dito ang Mandalu­yong City Jail and Female Dorm, Las Piñas Male and Female Dorm, Muntinlupa Male and Female Dorm, Parañaque Male and Female Dorm, MMDJ–Main, MMDJ–Annex 1, MMDJ–Annex 2, MMDJ–Annex 3, MMDJ–Annex 4, MMDJ–Annex 5, Taguig City Male and Female Dorm, Quezon City Jail Annex, Quezon City Female Dorm at Manila City Jail Annex.