Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga jeepney driver abangers sa biyahe

0 250

Hinihintay na lamang ng mga jeepney driver ang go signal mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung papayagan na silang bumiyahe.

“May naririnig ako baka daw sabihin na sa Huwebes o Biyernes kung kailan kami lalabas at kung ano-ano pa ang papayagan nila. `Yon naman talaga ang kailangang malaman naming para sa ganun bago namin gawin `yong gagastos ang mga operator na mangungutang para malagyan ng social distancing na mga plastic `yong sasakyan naming,” sabi ni Zeny Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Drivers and Operators of the Philippines (FEJODAP, sa panayam sa Teleradyo nitong Linggo.

Kapag pinayagan sila, tig-limang pasahero lang aniya ang isasakay sa magkabilang upuan ng jeep at maglalagay sa gitna nito ng plastic. Isang pasahero naman ang puwedeng sumakay sa unahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.