Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga jeepney driver todo dasal makabiyahe

0 324

Nananalangin ang mga jeeney driver sa Caloocan City, Malabon, Navotas at Valenzuela o CAMANAVA na matuloy na ang pagbabalik pasada nila.

Nagpahayag ng kasiyahan si Edwin Orena, tagapagsalita ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa CAMANAVA matapos aniyang ianunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Hope Libiran na maaari na silang bumiyahe matapos patigilin ang kanilang pasada noong enhanced community quarantine.

“Sana po ay huwag ng ma-postponed pa. Wala na talagang kita eh hilahod na talaga,” sabi pa ni Orena.

Ayon sa DOTr, naging commitment ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na puwede nang pumasada ang mga maaayos pang tradisyonal na jeep. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.