Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga jersey ng player todo labahan

0 199

Pansin ngayon sa pagbubukas muli ng NBA ang kakaibang set-up ng liga. May distancing, may mga naka-face mask at virtual audience lang ang makikita.

Ang hindi batid ng mga tao ay ang behind the scenes ng liga sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Sa isang post ng NBA sa official Instagram account, pinakita kahapon ang eksena sa laundry room ng NBA Bubble.

60 washers, 60 dryers ang nasa laundry area na pinagtutulungan ng mga staff upang masigurong malinis ang practice jerseys, warm up jerseys at game day jerseys ng mga manlalaro.

Komento ni Dallas Mavericks Star Wesley Matthews, “Can’t operate without!”

Hirit naman ni Isaiah Thomas, “Real MVPs.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.