Abante Tonite Interactive

Mga jiu-jitsu bet humakot ng 4 gold

0 227

Pinakita ng national jiu-jitsu team ang kahan­daan sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019 sa pag-uwi ng apat na gold sa 10 medalyang nadale mula sa 2019 Thailand Open Jiu-Jitsu Grand Prix sa Rangsit University sa Bangkok, Thailand nitong Agosto 9-12.

Nagwagi rin ang pambansang koponan, na giniyahan nina national coaches Hansel Co at Ali Sulit, ng tigatlong silver at bronze sa kompetisyon na parte sa paghahanda sa idaraos na SEA Games sa bansa sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ang mga naka-gold ay sina Jan Vincent Cortez sa -56kg, Samantha dela Costa sa -45kg, Kimberly Anne Custodio sa -48kg sa women’s, at Dylan Valmores sa ­women’s under 18 +70kg.

Mga nag-silver sa women’s event sina Danica Palanca sa -45kg, Estee Liwanen sa -57kg, at Natasha Rodriguez sa -70kg habang ang mga naka-bronze ay sina Peter Lawrence Meimban sa +94kg, Sarah Antonio-Tagle sa -52kg at Geli Bulaong sa -57kg.

Nasa 21 jiu-jitsu athletes sa training pool ang sumabak sa tatlong araw na torneo na sinalihan ng 469 practitioners mula sa 17 bansa.

May 1-4-2 gold-silver-bronze medals ang nakamit naman ng elite squad sa pangunguna ni world champion Margarita Ochoa sa Asian Jiu-Jitsu Championships nitong Hulyo sa Ulaanbaatar, Mongolia. (Lito Oredo)