Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga jobless sa ECQ bibigyan ayuda

0 457

Magbibigay uli ang gobyerno ng ayuda o cash aid para sa mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“Naiintindihan natin na kapag hindi natin pinagtrabaho ang lahat, kinakailangan magbigay po ng tulong. Handa naman magbigay ng assistance o tulong ang gobyerno,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Sabado ng gabi.

Kaugnay ito ng inanunsyo ni Roque na ECQ sa NCR at sa apat pang mga nabanggit na probinsya na epektibo Lunes ng madaling-araw, Marso 29 hanggang Abril 4, 2021.

Subalit nilinaw ni Roque na ang mga manggagawa lamang na hindi makapapasok sa trabaho ngayong ECQ ang makatatanggap ng tulong pinansiyal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa pagpupulong ng mga Metro Manila mayors, mas gusto nila na mas maraming makinabang, hindi lang `yong mga SAP beneficiaries, dahil alam naman natin kapag mag-lockdown, nag-ECQ, hindi lang mga 4Ps beneficiaries ang nahihirapan,” ayon kay Roque.

“`Yong mga hindi lang nakapagtrabaho ang [makakakuha] ng financial aid kasi `yan naman po ang intensyon natin,” dagdag ng kalihim.

Hindi pa binanggit kung magkano ang ipamimigay na ayuda ng gobyerno subalit sinabi ni Roque na “mas maliit sa inaasahan pero ang makakatanggap ay mas marami”.

Sinabi pa ni Roque na isinasapinal na ng mga economic manager ang ayuda at maaaring ihayag ito sa Lunes.(Prince Golez/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.