Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga jobless sa pandemic sinaklolohan ng WeEvolve

0 232

Bilang bahagi ng hakbang na matulungan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maayudahan ang mga Pinoy ngayong pandemic, nakahanda ang We Evolve marketing corporation na maglaan ng livelihood at mga oportunidad sa milyong Pinoy na nawalan ng trabaho.

Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, bagong halal na Presidente ngayong 2021 at isa sa may-ari bilang Board of Director ng WeEvolve Marketing Corporation, maraming paraan para kumita at masuportahan ang pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng isang home-based online business at social entrepreneurship.

Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman hinggil sa mga oportunidad na ito, sinabi ni Dr. Sahagun na walang dahilan para magutom ang isang Pilipino. Sinabi ni Sahagun na marami nang natulungan ang kanilang kumpanya na naapektuhan ng pandemya.

Sa tala ng National Statistic Authority may 4 milyong Pinoy mula 15 anyos pataas ang nawalan ng trabaho mula January 2021 dahil sa pandemic na mas mataas sa data noong January 2020 na may 2.4 million ang jobless.

Ayon sa PSA, ang unemployment rate ay tumaas sa 8.7 percent nitong January 2021 mula sa 5.3 percent noong January 2020.

Si Dr. Sahagun na isang aktibong change advocates sa bansa ay nagkakaloob din ng ayuda sa iba’t ibang grupo partikular ang mga feeding programs at community pantries para sa mga nangangailangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.