Abante Tonite Interactive

Mga K-star na may building puwede nang mag-quit

524

tonite-annyeong-rose-garciaPagdating sa pagma-manage ng kanilang hard-earned money, maituturing na ang mga Korean star ang isa sa mahusay.

Karamihan sa mga Korean star, lalo na ang talagang mga sumisikat ay into real estate. Marami sa kanila ang bumibili ng sarili nilang building. At worth billion won ang mga building na pagmamay-ari ng mga Korean star na ito.

Earnings pa lang ng kanilang mga building, pwede nang mabuhay comfortably ang mga ito. Puwede na silang huminto sa pag-aartista.

Ang 10 K-stars na nilabas ng soompi.com na nagmamay-ari ng sariling building sa South Korea ay kabilang ang South Korean actress/singer na si Bae Suzy, ang tatlong miyembro ng boy group na BigBang na sina Taeyang, G Dragon at Daesung.

Ang member ng Super Junior na si Kyuhyun, Girl’s Day na si Yura at former member ng KARA na si Han Seun Yeong, former Sistar’s member na si Dasom, CNBlue’s Jung Yong Hwa at ang controversial ngayon na si Goo Hara.

Si Suzy ay naka­bili ng building sa Samsung neighborhood ng Gangnam district in Seoul for about 3.7 billion won (approximately $3.3 million). It’s a five stories building at kumikita si Suzy ng 15 million won o $13,400 monthly from rent.

Napakalaki rin ng investment ng leader ng Big Bang na si G Dragon. Ang building na binili niya sa Cheongdam for 8.8 billion won ($7.86 million). Bukod pa ang building na nabili nila sa Seongsu for 3 billion won ($2.7 million).

Kulang pa ang listahan na nilabas ng soompi sa mga Korean stars na may pag-aari ng mga buildings sa South Korea, partikular sa Seoul. Ilan pa sa alam namin, kabilang dito sina Big Bang Seungri, Kwon Sang Woo, Lee Seung Gi at Lee Jong Suk at iba pa.

Hindi lang sa pagkakaroon ng good manners and being respectful ang puwedeng hangaan ng mga Korean star. Maganda rin silang inspirasyon pagdating sa paghawak ng kanilang mga pinaghihirapang pera.