Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga K to 12 graduate gawing contact tracers

0 467

Nitong nagdaang mga buwan, maraming nagtapos sa K to 12 program ng Department of Education (DepEd).

Pero dahil gitna pa rin ng pandemya, siguradong may ilan diyan na hindi makakapagpatuloy ng kolehiyo dahil sa epekto na krisis na ito kung saan milyon ang nawala na trabaho o kabuhayan.

Sa datos nga ng Philippine Statistics Authority (PSA) umabot na sa 7.3 milyon ang jobless noong Abril, isang buwan pa lang iyon sapul nang tumama ang virus sa bansa at sigurado lolobo pa yan.

Bagama’t may mga public school naman at ipapatupad sa unang pagkakataon ang distance learning, may gastos pa rin dahil required na magkaroon ng gadget gayundin ang internet connection.

Saan nga naman nila kukuha ng dagdag budget para dito lalo na kung nawalan ng kabuhayan o trabaho ang karamihan. Talagang napakabigat nito.

Paano na ang mga K to 12 graduates natin? Ano ang mangyayari sa kanila kung hindi sila makapag-enrol sa kolehiyo? Tatambay? Huwag naman sana.

May magandang panukala diyan si Senador Win Gatchalian, gawing contract tracers ang mga K to 12 graduate. Magandang ideya at sana pakinggan ng DOH ang panukalang ito ng senador.

Nauna nang sinabi ng DOH na magha-hire sila ng 95,000 contract tracer para mapalakas ang government response sa coronavirus pandemic.

Ongoing ang hiring ng DOH at sana ikonsidera nila ang K to 12 graduates para mapunan ang ang pangangailangan ng bansa sa mga contact tracers sa gitna ng pandemya.

Bigyan sana sila ng pagkakataon ng makapagtrabaho. Sa panahon kasi ngayon, mahirap silang makaharanap ng trabaho, wala kumpanya ang open for hirin dahil sa naging epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Kung bibigyan ang mga K to 12 graduate ng trabaho bilang contact tracers, mapapalakas na ng pamahalaan ang mga hakbang nito na mahanap ang mga nahawaan ng COVID-19.

Makatutulong pa ang mga trabahong ito sa mga kabataan at mga pamilya nila, lalo na ang mga naghihikahos, bunga ng pandemya.

Bagama’t kailangang nang pagsasanay o nagtapos sa isang allied medical course ang isang contact tracer, ang suhestiyon ni Gatchalian payagan din ang mga nagtapos ng K to 12 na mag-apply at pumasok sa mga trabahong ito.

Ginawa niyang halimbawa ang Estados Unidos kung saan may mga contact tracers na hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

Sa tingin ko kailangan luwagan ng DOH ang qualification para maging contact tracers. Sana huwag lang iyong graduate ng allied medical courses ang kunin nila. Sana ikonsidera nila ang K to 12 graduates.

Hindi naman kasi ganoong kabigat ang trabaho ng contact tracers. Sa pagkakaalam ko, ang pangunahing trabaho nila ay data gathering. Mag-iinterview ng taong may pinahihinalaang nadapuan ng virus gayundin ang close contacts nito.

Kukunin lang nila ang data ng travel history ng isang pinaghihinaalang nahawaan ng virus at magsasagawa ng health assessment. Tingin ko naman kaya naman ng K to 12 graduates yan.

Sabi nga ni Gatchalian, kung bibigyan ng trabaho ang mga K to 12 graduates, hindi lang sila mabibigyan ng solusyon sa mga hamong kinakaharap nila kundi magiging sila ng solusyon upang makabangon ang ating bansa mula sa pinsalang dulot ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.