Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ka-party ni Dacera sa Room 2207 natukoy

0 290

Nakilala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga umokupa sa “Room 2207” ng isang hotel sa Makati na binalik-balikan ng flight attendant na si Christine Dacera bago siya natagpuang patay.

Base sa ulat, hindi muna pinangalanan ng NBI ang mga nag-check in sa naturang kuwarto na malapit lamang sa Room 2209 kung saan sinalubong ni Dacera at ilang kaibigan ang Bagong Taon.

Pero ayon sa NBI, kasama ang mga umokupa sa Room 2207 sa mga inimbitahang magbigay ng pahayag kaugnay sa Dacera case.

Pinadalhan na ng subpoena ang 11 katao na huling nakasama ng namatay na flight attendant upang magbigay ng kanilang testimonya at inaasahang darating sila sa NBI headquarters sa Lunes.

Magugunitang sinabi ng ilang kasama ni Dacera sa Room 2209 na isang common friend ang nagpakilala sa kanila sa mga tao sa Room 2207, na makailang beses binisita ni Christine.

Enero 1, 2021 nang matagpuang walang buhay sa bathtub ng hotel room si Christine. (Issa Santiago)

SM food to go Banner Ad

NBI bubusisiin palpak ng PNP

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Sabado na kukuha sila ng specimen sa mga labi ni Christine para sa re-autopsy.

Ayon ito kay Dr. Ricardo Rodaje, hepe ng medico-legal division ng NBI kung saan sa ngayon ay nagpupulong pa ang pamilya-Dacera kasama ng NBI forensics team.

Isasagawa ng NBI ang forensic examination sa labi ni Dacera para sa kanilang sariling imbestigasyon.

Tatagal umano ito [forensic] ng 2-3 oras kung may pwede pang pag-aralan sa mga labi ng flight attendant para mabigyang linaw ang kanyang pagkamatay.

Matatandaang ipinag-utos din ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon. Binigyan ni Guevarra ang NBI ng 10-araw para magsumite ng report.

Kasunod na rin ito ng pag-amin mismo ng Philippine National Police (PNP) na nagkaroon ng procedural lapses sa paghawak ng pag-iimbestiga ng Makati City police sa pagkamatay ng 23-anyos na stewardess. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.