Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kababaihang matiisin

0 88

Ang nanay kong matiisin – isusubo na lang ang pagkain, kami pang mga anak ang uunahin. NaTay (nanay at tatay) sa kanyang limang anak simula nang masawi ang asawa dahil biktima ng pananaksak sa matadero sa Tondo, Manila.

Inuna ang mga anak na nagkakasakit, lalo na nang isa rito ay nagkaroon ng pagbagsak ng mga bato. Hindi alintana ang pagpupuyat, makatapos lang ng pagtitinda sa palengke.

Dahil sa kanyang tahimik na pagtitiis, nakalimutan na ang sariling kalusugan. Binalewala ang pananakit ng mga binti, ang pananakit ng dibdib at kahirapan sa paghinga. Nalaman lang ng mga anak nang hindi na niya makaya ang nararamdaman, at saka lamang napatingnan.

Marami sa mga kababaihang may pamilya at nagta-trabaho pa sa labas ay may iniinda subalit hindi nagsasalita o nagpapakita sa manggagamot. Ang masaklap, minsan ay huli na bago matuklasang mayroon silang matinding problema sa puso at sa ugat na dinadaluyan ng dugo.

Ang cardiovascular disease (CVD) ang isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga kababaihan. Sa katunayan, 35 porsiyento ng nabibilang na kamatayan sa bawat taon sa buong mundo ay bunga ng mga babaeng nasawi sa CVD.

Dalawa sa limang namamatay na mga babae ay dahil dito, ayon sa European Society of Cardiology.

Ito naman ang pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga Pilipina.

Ayon sa pangulo ng Philippine Heart Association – Philippine College of Cardiology na si Dr. Gilbert Vilela, kailangang agapan ang nangyayaring ito sa puso at ugat ng mga kababaihan. “Work and social strain seem to pack a double punch, increasing women’s risk of developing coronary heart disease by 21 percent,” ayon kay Dr. Vilela na batay sa pag-aaral ng American Heart Association.

Sa kabila ng nakakagitlang istatistikang ito, hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang CVD at epekto sa mga kababaihan – lalo na sa mga maagang huminto ang buwanang regla, nagkaroon ng diabetes at high blood noong nagbubuntis, nanganak nang wala sa wastong buwan, mayroong pamamaga sa kanilang sistema, at mga may autoimmune disorder.

Hindi rin napag-aaralan ng husto ang epekto ng stress tulad ng mula sa pakikipagrelasyon, pamilya, o pakikisalamuha sa ibang tao o katrabaho, at sa kanilang puso at ugat.

Ang pagpapatingin sa doktor at pagsunod sa mga inireresetang gamot ay mahalaga para mabawasan ang problema sa puso at daluyan ng dugo, partikular ng mga kababaihang inuuna ang lahat pero nakakalimutan ang kanilang sarili.

Isa sa mga hindi napag-uusapan subalit napakalaki ng kontribusyon sa proteksyon ng daluyan ng dugo ay ang sulodexide.
Ang sulodexide, na ibinabahagi dito sa Pilipinas sa pangalang Vessel Due-F, ay mayroong glycosaminoglycan na mayroong mabilis na umaksyong heparin at dermatan sulfate. Pero hindi tulad ng heparin lamang, walang panganib ng matinding pagdurugo sa pasyente. Ito ay nakakatulong sa paglabnaw ng dugo at pag-iwas sa paghina at pagputok ng mga ugat na daluyan ng dugo, at maging sa pamumuo ng dugo sa isang lugar o thrombosis. Maganda rin ang epekto nito sa pamamaga o inflammation.

Epektibo ang sulodexide (Vessel Due-F) laban sa pamumuo ng dugo sa peripheral artery o mga ugat sa labas ng puso at sa pamumuo ng dugo sa maliliit na ugat tulad ng varicose veins. Kapag may problema sa pamumuo ng dugo sa binti o matindi ang pananakit sa braso at binti dahil sa namumuong dugo, sulodexide ang ginagamit para rito.

Kapag nagpa-check-up sa manggagamot, itanong kung may maitutulong sa inyo ang sulodexide.

Ang mga kababaihan ay tunay na malalakas, pero may hangganan din ang lakas na ito kapag kalusugan na ang pinag-usapan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.