Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kabataan suportado balik-Senado ni JV Ejercito

0 44

Isang malaking grupo ng mga kabataan ang nagpahayag ng kanilang solidong suporta sa pagbabalik sa Senado ni dating Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito.

Sa isang statement, pinuri ng Ako Youth of the Nation (Ako YON) si Ejercito sa pagiging kaibigan ng sektor ng kabataan sa buong buhay niya sa serbisyo publiko.

“Ang Ako YON! Youth of the Nation, kasama ng aming daan-daang miyembro sa buong bansa, ano man ang antas ng buhay; rosas, pula o ano man ang kulay, ay nagpapahayag ng aming malalim at buong-loob na suporta para sa the GOOD ONE, Senator JV Ejercito, na naging tunay na kaibigan ng kabataan mula noong siya ay maging lingkod-bayan sa lungsod ng San Juan, hanggang sa ma­ging magaling na senador ng Republika,” sabi ng grupo.

Ayon pa sa gruupo, ang malinis at track record at kredensiyal ni Ejercito bilang public servant ang nagbigay katuwiran sa kanyang tagline na ‘The Good One’.

Bukod diyan, pinuri din ng grupo ang sinseridad ni Ejercito na magkaroon ng ‘genuine unity’ ang iba’t ibang political camps. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.