Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kakampi inis kay Kawhi

0 154

ASAR ang mga teammate ni Kawhi Leonard dahil sa ibinibigay na special treatment ng Los Angeles Clippers sa kanya.

Naiinis sina Patrick Beverly, Montrezl Harrell at Lou Williams sa atensiyon na ibinibigay ng LAC sa two-time NBA Finals Most Valuable Player (MVP).

“Players like Patrick Beverley, Montrezl Harrell and Lou Williams—Clippers bedrocks before the arrival of Leonard and George—bristled when Leonard was permitted to take games off to manage his body and to live in San Diego,” post ng NBA Central.

Dahil sa pagbibigay kay Leonard, hindi nakukompleto ang kanilang lineup sa practice.

Nalaglag ang Clippers sa seminals ng Western Conference matapos yumuko sa Denver Nuggets sa do-or-die Game 7. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.