Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kakampink iyakan sa Ateneo rally

0 53

Nagkaiyakan sina Vice President Leni Robredo at mga supporter niya sa ginanap na thanksgiving event sa Ateneo De Manila University sa Quezon City kahapon, Mayo 13.

Trending kagabi ang #IyakinForLeniKiko.

Makikitang habang nagsasalita sa harap ng mga tagasuporta niya ay hindi napigilan ni Robredo na mangilid ang luha gayundin ang mga dumalo sa thanksgiving event.

SM food to go Banner Ad

Nanawagan siya sa mga supporter na tanggapin ang resulta ng halalan.

“Kailangan din nating simulang tanggapin na hindi ayon sa mga pangarap natin ang resulta ng eleksyong ito. Sa ganitong paraan masisimulan na rin natin na itutok ang sarili sa hinaharap. Kailangang tanggapin natin ang pasya ng mayorya. Nakikiusap ako sa inyong makiisa sa akin dito,” pahayag ni Robredo.

Inanunsyo rin niya ang paglulunsad sa Hunyo ng Angat Buhay non-governmental organization at patuloy na paglaban sa kasinungalingan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.