Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Kakampink `kinuyog’ sa sugod-INC diskarte

0 54

Tila desperado na umano ang mga kakampink ngayong halalan dahil pinupuntirya ng mga ito ang Iglesia Ni Cristo (INC).

Matatandaang nag-viral noong Sabado ang video ng mga kakampink na nag-martsa kahit gabi na sa isang kapilya ng INC sa Quezon City habang may mga hawak pa na sulo.

Ngunit sa post ng Facebook page na True Christians, makikita na hindi lang pala sa Quezon City kinalampag ng mga kakampink ang INC kundi pati sa Cebu.

Sa video, makikita ang mga kakampink na may sinisigaw sa labas ng isang INC chapel sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

“Nagsilabasan na yata mga desperate campaigning ng mga Kakampinks ah, di na makapakali kaya ganito ginagawa,” saad sa caption ng video. “Sa Cebu po ang video na ito. Ikinababahala ninyo ang boto ng nasa 2.6% ng populasyon ng Pilipinas?”

Umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizen ang naturang insidente.

Mayroong mga nabastusan sa kanilang ginawa kung kaya’t nadamay pati si Vice President Leni Robredo sa galit ng ilang netizen.

Dismayado naman ang isang netizen dahil pati aniya ang bahay sambahan ay hindi na iginalang.

Tumaya ang INC sa tambalang Marcos Jr-Duterte na ikinaiinis ng mga kakampink. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.