Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kakampink tinabla sa QC Circle rally

0 68

Hindi inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagdaraos ng mga kakampink ng thanksgiving party sa Quezon Memorial Circle ngayong Biyernes.

Kaya naman, sa loob na lamang ng campus ng Ateneo de Manila University idaraos ang thanksgiving party.

“Bagamat ikinalulungkot namin ito, iginagalang namin ang pasya ng lokal na pamahalaan. Nananabik kaming makasama ang mga kaibigan, kapwa-volunteer, supporter, at kapwa Pilipino sa Ateneo grounds bukas,” pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

SM food to go Banner Ad

Paliwanang ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, hindi nila inaprubahan ang pagdaraos ng event sa QC Circle dahil sa pangamba sa kaligtasan ng publiko.

“The QC-DPOS (Department of Public Order and Safety) explained that the presence of an enormous crowd (without the benefit of a previously-arranged crowd control plan) on a weekday would cause massive traffic jams, countless stranded commuters, and a significant risk to overall public safety. Given this, the pending request for the event was not granted, and the organizers understood and respected their decision,” pahayag ng QC government.

Samantala, isasabay ng Migrante International ang “Black Friday Protest’ kaugnay pa rin ng kinukuwestiyong resulta ng halalan.

Subalit online protest lamang ito na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa mundo kabilang ang Hong Kong, Vancouver sa Canada; New York, Dubai, at Rome.(Mark Joven Delantar/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.