Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kalaban kabado sa Isko-Grace tandem

0 65

Ngayon pa lang, mukhang kabado na ang mga makakalaban ni Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 presidential elections. Pinilit nilang sirain ang imahen ni yorme nang dumugin ang mga vaccination center sa Maynila noong Agosto 5.

Naging trending pa nga si Isko sa social media noong araw na iyon. Marami ay bumabatikos sa hindi umano maayos na sistema sa pagbabakuna sa Maynila. Sa mga ordinaryong Pinoy, madali nilang tatanggapin ang mga nababasa na hindi man lang tinitimbang kung ano ang katotohanan.

Duda na ako sa umpisa pa lamang na kusang nagpuntahan sa mga vaccination center ang sangkaterbang tao. Suspetsa ko agad na in-operate ang butihing alkalde ng Maynila. Nakumpirma ang aking hinala nang sabihin ng mga pulis na marami sa mga sumugod ay nanggaling sa mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

Sakay daw sila ng mga van at bus na nagdatingan sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw pa lamang. At may mga lider na naggigiya sa mga umano’y magpapabakuna kung saan sila pupunta. Nakumpirma rin ng tanggapan ni Moreno na isang araw bago ang Agosto 6, inatake ng troll farms ang vaccination registration website ng Maynila.

Napakalaking operasyon nito na nangangailangan ng malaking pera. Nagawa nilang gumastos ng malaking salapi gayong hindi pa naghahain ng certificate of candidacy ang sinumang kandidato. Ganun karami ang datung ng kalaban ni yorme.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Hindi na rin ako magtataka kung ang susunod na io-operate ay si Sen. Grace Poe na siyang napipisil na running mate ni Isko Moreno. Beterano na sa ganitong maruming politika ang senadora dahil noong 2016 ay pina-disqualify siya dahil sa residency requirement. Mabuti na lamang at nanaig ang hustisya matapos na ibasura ng Supreme Court (SC) ang disqualification kay Poe.

Malakas kasi ang posibleng tambalan nina Isko at Grace sa 2022 presidential at vice presidential elections kaya ngayon pa lamang ay may mga nagtatangka na pabagsakin ang dalawa.

Pero hindi basta magpapatalo ang anak ng Tondo na si Isko at si Grace, na anak ng dating Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ.

Malakas ang hatak nila sa mga kabataan na hindi basta naniniwala sa pakulo ng mga traditional politician sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.