Abante Tonite Interactive

Mga kalsada sa Maynila isasara sa fun run

192

Isasara ang ilang kalsada at magkakaroon rin ng traffic rerouting ngayon Linggo upang bigyan daan ang idaraos na Shongkrun Run4UrLife sa lungsod ng Maynila.

Sa inilabas na abiso ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, mula alas-kuwatro ng madaling-araw hanggang ala-siyete ng umaga ay isasarado nila sa trapiko ang southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo St.

Magsasagawa rin ng traffic rerou­ting upang matiyak na hindi magkakaroon ng pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Nabatid na ang mga sasakyang mula sa Bonifacio Drive na nais dumaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat na kuma­liwa sa P. Burgos Ave­nue. Ang mga sasak­yang daraan mula sa mga tulay ng Jones, McArthur, at Quezon patungo sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay maaaring dumiretso sa Taft Avenue, papunta sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na bumabagtas sa westbound lane ng P. Burgos Avenue ay maaaring kumanan sa Bonifacio Drive o kumaliwa sa eastbound lane ng P. Burgos Ave­nue, habang ang mga behikulong dumadaan sa westbound lane ng TM Kalaw St., patu­ngong Roxas Blvd. ay dapat na kumaliwa sa M.H. del Pilar St. hanggang sa kanilang patutunguhan.

Samantala, ang mga sasakyan na daraan sa westbound lane ng Pres. Quirino Avenue, na nais magtungo sa southbound lane ng Roxas Blvd., ay dapat na kuma­liwa sa Adriatico St.habang ang mga sasakyang babagtas ng westbound lane ng P. Ocampo St., at nais dumaan sa southbound lane ng Roxas Blvd., ay dapat na ku­maliwa sa F.B. Harrison hanggang sa kanilang point of destination.

Ang mga sasakyan na papuntang Manila Ocean Park/H20 Hotel at Manila Hotel ay kailangang dumaan sa Katigbak Drive.

Ayon kay MPD Public Information Office chief, LCol. Carlo Magno Manuel, ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabase nila sa aktuwal na kondisyon ng trapiko sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)