Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kaluluwa sabay na pinaakyat sa langit

0 205

Mga ka-Misteryo tunay ngang espesyal ang numero 11 nang isang psychic ang nagawang paakyatin sa langit ang mga gumagalang kaluluwa.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Ipinagtapat ni Romy ng Laguna na nagawa niyang mapaakyat sa langit o mataas na dimensyon ang mga gumagalang kaluluwa. Ito ang inusisang mabuti ng Misteryo kay Romy.

Misteryo: “Paano mo ginawa yung pagpapaakyat sa langit ng mga kaluluwa? Mukhang hindi lang isa yan ah kundi marami. Ginawa mo ba yun ngayong petsa 11, tama ba ako?”

Romy: “Oo ngayon nga yun petsa 11. Hindi ko nga inaasahan na nagawa ko yun kasi karaniwan nagdarasal ako para makaakyat sa langit ang isang kaluluwa pero iba ito.”

Misteryo: “Bakit naiba? Hindi ka ba nagdasal para sa kanila?”

Romy: “Ganito yun…ginawa ko ito sa astral o sa kabilang dimensyon habang tulog ang aking katawang pisikal.”

Misteryo: “Anong ginawa mo sa kabilang dimensyon? Kitang-kita mo ba mga kaluluwa?”

Romy: “Oo…kitang-kita ko sila…iba’t iba ang hitsura nila…bata, matanda, babae, lalaki marami sila. Sinabihan ko sila na maupo at sabay-sabay silang mag-meditasyon. Ginawa nila ang sinabi ko.”

Misteryo: “Aba mukhang bago nga yan ah. Mga kaluluwa tinuruan mong mag-meditate. So pagkatapos nun, umakyat na ba sila?”

Romy: “Oo kitang-kita ko nang sabay-sabay silang umangat patungo sa langit at masayang-masaya sila.”

Misteryo: “Gagawin mo ba uli ito para patuloy na makapagpaakyat sa langit?”

Romy: “Oo ito ang simula ng misyon ko sa lupa…tulungan ang mga namatay na makatawid sa kabilang buhay.”

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.