Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kamote rider pulis pala

0 66

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mga pulis nga ang naunang tinawag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ‘kamote riders’ na nag-viral sa social media dahil gumagawa ng mga delikadong motorcycle stunt sa isang highway sa Zambales.

Sa pahayag, sinabi ng hepe ang dalawang rider na sina Master Sgt. Israel Bondoc at Master Sgt. Manuel Tolentino ay nakatalaga sa Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3).

Inatasan na ni Eleazar ang PRO-3 director, si Brig. Gen. Valeriano de Leon, at ang Highway Patrol Group na magsagawa ng imbestigasyon.

Nakita sa video na gumagawa ng motorcycle stunts ang mga ito na banggit ng mga netizen ay iresponsable at paglabag sa batas ukol sa road safety.

Agad ipinag-utos ng hepe ang imbestigasyon sa dalawa dahil sa ginawa ng mga itong panganib sa iba pang motorista.

“Let this serve as a warning that we will not tolerate this kind of misbehavior because as police officers, we should serve as the role models in abiding by the laws that include traffic rules and regulations.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.