Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kampeon balik sa White House – LeBron

0 194

Ngayong mawawala na sa puwesto si Donald Trump, pinaramdam ni LeBron James na babalik na rin ang pagbisita ng champion teams sa White House.

Tinalo na ni Joe Biden ang nakaupong presidente sa botohan, narating ng Democrat ang required 270 electoral votes nitong Sabado.

Dati-rati, ang mga kampeon ng apat na major sports sa US – NBA, MLB, NFL, NHL – ay iniimbitahan ng nakaupong president sa White House para batiin at magpa-photo ops.

Sa nakalipas na apat na taon na nakaupo si Trump, inisnab ng Golden State at ng Cleveland ni James ang imbitasyon.

“Yo we back up in there my G!!! I’m taking my tequila and vino too!” isa sa tweets ni LeBron nitong Sabado, sinundan ng laughing at wine emojis.

Kampeon ng 2019-20 si LeBron at ang Lakers, baka pumunta na sila ng White House kapag may imbitasyon.

Sinang-ayunan siya ni Warriors forward Draymond Green.

“Yoooo @KingJames y’all can go to the White House and celebrate y’all title my G!” ani Green.

May tweet pa si LeBron, kinu-quote ang CNN clip mula kay Van Jones:

“Character matters, being simply a good person matters! Salute & Thank You @VanJones68!” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.