Abante Tonite Interactive

Mga kandidato bawal sa graduation

174

Mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Higher­ Education (CHED), ang pag-epal ng mga kandidato ngayong May 2019 elections bilang panauhing pandangal sa mga graduation ceremony sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa mga higher edu­cation institution (HEI).

Ayon kay CHED chair J. Prospero de Vera III, magpapalabas sila ng memorandum kasunod ng commission en banc para sa lahat ng higher education institution, na hindi pahihintulutan ang mga kandidato na magbigay ng pagbati o talumpati sa mga graduation exercise sa state university at college.

Samantala, una nang nagpalabas ng mandato ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdalo ng mga kandidato ng 2019 midterm elections sa mga graduation rite.

Abante Hiring – IT dep

Maaaring makasuhan ng electioneering ang isang kandidato na aktong nangangampanya sa loob ng gra­duation ceremony at maaari pang maharap sa mga administrative sanction ang paaralan dito.