Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kandidato sa PDEA, PNP dapat pa-drug test

0 44

Nagkusa ang ilang kandidato magpa-drug test ilang araw matapos akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang akusahan ang hindi nito pinangalang kandidato na gumagamit umano ng cocaine.

Bagama’t hindi pinangalan ng pangulo, kanya-kanyang giit ng mga kandidato sa pagka-pangulo na hindi sila ang pinatutungkulan nito.

At para maalis ang pagdududa ng publiko, ilang kandidato na ang nagkusang magpa-drug test at negatibo naman ang resulta nito.

Unang sumalang ang tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III na nagtungo noong Lunes sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Resulta, negatibo ang dalawa sa anumang uri ng iligal na droga.

Bagama’t iginiit ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya ang pinasasaringan ni Duterte, siya man ay nagkusa na ring magpa-drug test.

Iyon nga lang sa pribadong ospital – St. Lukes Medical Center, siya nagpasuri at negatibo siya sa paggamit ng cocaine. Pinadala nito ang resulta sa PDEA, sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Maging si Manila Isko Moreno, presidential candidate ng Aksyon Demoraktiko ay sumabay na rin sa pagpapa-drug test. Lumiham pa si Mayor Isko sa PDEA at sinabing nais niyang magpa-drug test sa cocaine, shabu, marijuana at iba pang uri ng iligal na droga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Senador Manny Pacquiao naman ay naglabas na drug test results na nagpapakita na negatibo siya sa anumang substance na ipinagbabawala ng World Boxing Council (WBC).

Ang pagsusuri ay isinagawa ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA) noong July 28 at Sept. 8, bago ang kanyang laban Youdenis Ugas sa Las Vegas, Nevada.

Maganda ang ginawa ng mga presidentiable na boluntaryong pagpapa-drug test. Kaya lang, hindi mo maiaalis ang duda ng publiko na hindi naman accurate ang resulta ng ginawang pagsusuri.

Kaya nga para maalis ang pagduda, siguro mas mainam na lahat ng kandidato lalo na sa pagka-pangilo at pangalawang pangulo, ay magpasuri sa PDEA o sa PNP mismo para maiwasan ang pagduda na dinoktor lang ang resulta.

Kung sa PDEA o PNP, multi-drug test na ang gagawin sila sa kanila. “Multi-drug assay” ang tawag din. Sa pamamagitan ng method na ito, lahat ng uri ng iligal na droga ay masusuri. Hindi lang iisa. Hindi lang cocaine, hindi lang marijuana, hindi lang shabu. Lahat.

Kaya lang ang tanong, kakasa ba ang ibang kandidato sa challenge na gawin ang drug test sa PDEA or PNP? Si Lacson at Sotto, okay na, tapos na. Next na si Isko. Eh si Marcos, Pacquiao at iba pang kandidato, kakasa kaya? Yan ang malaking tanong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.