Abante Tonite Interactive

Mga kapuso actor, mag-uurungan ang yagbols kay Rayver

By
3,328

Ano kaya ang mangyayari sa katauhan ni Rayver Cruz sa Bagani nga­yong wala na siya sa pamunuan ng Star Magic? May katotohanan nga kaya ang mga sitsit na Kapuso na ang binatang makisig at mahusay sumayaw?

Maayos naman kaya ang kanyang pamamaalam sa mga boss niya sa Mother Ignacia station?

Kung true na siya ay magiging Kapuso, ang kanyang iniirog na si Janine Gutierrez kaya ay malaking dahilan kaya siya sumakabilang ibayo?

Very much welcome si Rayver sa Kamuning network dahil kulang na kulang talaga sila sa leading man na katangkaran, may star appeal, marunong umarte at puwede ring maging mapangahas. Hindi na naman tween o teen si Cruz kaya kung may mga hubad baro requirements, tiyak naman na keri niya. Masarap ang deskripsyon sa kanya, maski itanong niyo pa sa baklang suki niyo sa parlor. Hahahaha.

Ngayong ang dalawang mabunying Cruz, si Rodjun at si Raver eh mga Kapuso na, hindi naman kaya mag-uru­ngan ang mga bayag ng ibang actors sa Where You Belong network?
***
Dalawang Filipino films na paborito ko so far ay ang ‘Never Not Love You’, na pinagsamahan nina James Reid at Nadine Lustre at ang ‘Sid and Aya’, na pinagbida­han nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, sa susunod na taon kaya, makapasa ang mga pelikulang ito sa pihikang panlasa ng mga taga-URIAN?

Sa Agosto pa ang Cine­malaya, karamihan sa mga pelikulang luma­lahok rito, may fighting chance sa URIAN, sino kaya ang kanilang mapapansin?