Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Kapuso nagpapabakuna na

0 108

NI: ROLDAN CASTRO

Nagsimula na ang vaccination program para sa A4 category o iyong mga kabilang sa nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan kagaya na lang mga nasa entertainment industry.

Kasabay nito ay parami na rin nang parami ang Kapuso personalities na nabakunahan na kontra COVID-19 kagaya na lang nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ai Ai delas Alas, Glaiza de Castro, Drew Arellano, Iya Villania, Wendell Ramos, Mike Tan, Suzi Entrata-Abrera, at Boobay.

SM food to go Banner Ad

Magandang halimbawa na makita ang pagpapabakuna na ito ng mga artista upang mahikayat ang ilang nag-aalinlangan o ‘di kaya’y wala pang sapat na kaalaman sa vaccination procedures sa kani-kanilang lungsod.

Sa katunayan ay natuwa rin ang mga netizen na makita ang ilang celebrities na nagpapabakuna. Hindi lang kasi ito para protektahan ang kanilang sarili sa coronavirus kundi makakatulong din pati na sa kaligtasan ng karamihan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.