Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Kapuso star tsugi sa artista ng Dos

0 2,086

NI:ROLDAN CASTRO

Matunog ang tsika na umano’y magbabawas ng mga Kapuso star para ma-accommodate yung mga artista ng ABS-CBN 2 na gustong lumipat.

“Hindi ‘yan totoo.Love ng GMA mga talent namin. May mga artists lang na natatapos na ‘yung contract,” sambit ng isang Kapuso insider.

Paano kung tapos na ang contract, nire-renew ba ng network at GMA Artist Center ? O, depende sa talent kung gusto pa niyang

i-renew ang kontrata niya?
“Parehas. May mga artists kasi na mag-aaral na lang, magma-migrate at ‘yung iba hindi na nagre-renew ,” paliwanag niya sa amin.

Welcome ba ang mga Kapamilya sa Kapuso network?

“Go. Go.Go. Sino ‘yan?,” humahalahak pa niyang tugon.

Lahad naman ng isang may mataas na posisyon sa GMA. Mahal nila ang mga talent nila kaya wala silang tatanggalin. Hindi naman daw nila ginagawa ‘yun.

Open lang daw ang line nila sa mga Kapamilya na gustong kumausap sa kanila at willing magtrabaho sa Kapuso network.

Tsumika pa kami sa isa pang may konek sa GMA 7 kung ano ang nababalitaan niya sa loob.

“May mga tinanggap na sila. Sina Luis Hontiveros, Jose Sarasola. Basta walang existing contract at may future,” pakli ng aming source.

Sa palagay ba niya walang matsutsugi?

“Baka i- let go ang artists pag pasaway at wa talent.Ha!ha!ha!,”sey niya.

Wala ba siyang nababalitaan na tsutsugiin ng Siete para makapasok ang mga artista ng Dos?

“Wala pa naman.Baka ‘yung matatapos na ang contract at walang future ang i-let go,” saad pa niya.

Ayon sa aming source, may isang kapamilya young actress ang nagbabalak magtrabaho sa Kapuso pero magpapaalam daw muna siya kung papayagan ng management ng ABS-CBN. (ROLDAN CASTRO)

Leave A Reply

Your email address will not be published.