Abante Tonite Interactive

Mga katutubo, dapat isama sa BARMM ­— obispo

182

Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mutual Relations na magkakaroon ng maayos at patas na pagpapatupad ang bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Tinukoy ni Archbishop Antonio Ledesma ng Archdiocese ng Cagayan de Oro ang pagpapatupad ng mga development project sa mga lugar kung nasaan ang mga minority tulad ng mga Lumad at iba pang Indigenous people community sa rehiyon.

Bukod sa kaayusan at pag-unlad ng mga Muslim community, dapat din aniyang tutukan ang mga minority group.

Iginiit ng Arsobispo na mahala-gang mapabilang ang lahat ng mga taga-Mindanao sa pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.

Sa ilalim ng BARMM, pangangasiwaan ng Bangsamoro government ang lahat ng inland water habang magiging magkatuwang naman ang BARMM at Department of Energy (DOE) sa mga lugar na ginagamit bilang enerhiya habang ang lahat ng kita mula sa natural resources sa loob ng BARMM ay mapupunta sa Bangsamoro government.

Samantala, responsibilidad pa rin ng national government ang depensa at seguridad ng BARMM.

Kaugnay nito, umaasa naman ang iba’t ibang sektor ng lipunan maging ang Simbahan na magiging daan ang BARMM para sa minimithing pangarap ng mga Muslim, Kristiyano, Lumad at iba pang katutubong tribo para sa isang mapayapang rehiyon.

Sa rekord, mayroong 18 minority tribe ang matatagpuan sa Mindanao. (Mia Billones)