Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kawani nagpositibo, 3 tanggapan sa Legazpi ni-lockdown

0 311

Tatlong tanggapan sa Legazpi City ang isinailalim sa lockdown matapos dapuan ng coronavirus disease ang tatlong manggagawa, o tig-iisang empleyado sa kada establisyimento.

Ayon sa Legazpi City IATF nitong Linggo, pansamantala nilang ini-lockdown ang PhilHealth office sa Benny S. Imperial Drive sa Barangay Ilawod; ang BDO branch at ang Lucky Fortune Seafood Restaurant na nasa Barangay Bitano.

Related Posts

Epektibo noong Abril 10 ang lockdown, ani Legazpi IATF chair at City Mayor Noel Rosal, para mabigyang-oras ang disinfection ng gusali at ang pagko-contact trace at testing sa mga tauhan.

Nilinaw din niyang bagaman sarado ang nasabing bangko at kainan ay mananatili namang bukas sa mamimili ang gusali. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.