Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kawawang jeepney driver, sinagip ng kongresistang promdi

0 299

Mahigit isang taon na ang nararanasang pandemya sa bansa au maraming indibidwal at sektor ang lubhang naapektuhan ang kabuhayan.

Isa lang dito ay ang mga jeepney drivers na nawalan ng hanap buhay at ang ilan ay napilitang mamalimos sa kalsada dahil Hindi naambunan ng ayuda mula sa gobyerno.

Personal na idinulog ni Ang Probinsiyano Partylist Representative Alfred Delos Santos sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang mabigyan ng ayuda ang mga jeepney drivers na hindi nakatikim ng tulong mula sa gobyerno.

Sa kabutihang palad makalipas ang isang linggo ay tumugon si LTFRB Chairman Martin Delgra at hiningi ang listahan ng mga jeepney drivers na hindi pa naktanggap ng ayuda..

Ayon Kay Delgra ay wala sa kamay ng LTFRB ang mismong pamamahagi ng ayuda at ito ay nasa DSWD pero tiniyak nito na tutulong upang mapabilis ang proseso ng kailangan ayuda.

Mabuti na lamamg at may pumansin sa mga hinaing ng jeepney drivers at tumulong si Cong. Delos Santos na inaasahang agad na matatanggap na ang ayuda na nasa ilalalim ng Bayanihan act.

Sobrang napabayaan ang mga jeepney drivers ng gobyerno dahil binalik nga ang biyahe sa kalsada perp limitado lang dahil sa mga quarantine restrictions.

Sana naman sa mga ganitong pagkakataon ay walang maiiwan na sektor sa mga ibinibigay na ayuda upang maibsan man lang ang dinadanas na hirap.

Dapat ay maging listo ang gobyerno tulad ng LTFRB na kapag may nabalitaan na namalimos ng tsuper ay alamin ang dahilan at kung nakatanggap ba ito ng ayuda mula sa pamahalaan.

Isa pa sa magandang isinulong na data logo ni Cong. Delos Santos sa LTFRB ay tinapos na ang pamamalimos sa kalsada ng mga jeepney drivers dahil sumasalamin ito sa kapabayaan ng gobyerno .

Umaasa tayo na ang mga hinaing pa ng ibang sektor ay agad matugunan mg gobyerno na hindi na kailangan pang may pumagitna ng kongresista o opisyal ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.