Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kolorum jeep, bus piyesta sa no bakuna, no ride

0 30

Naniniwala ang grupong Pilipino Society and Development Advocates Commuter-Consumer (PASADA CC) na mapipilitan ang mga commuter na tangkilin ang mga colorum na sasakyan dahil sa ipinatutupad na no vaccination, no ride na patakaran ng pamahalaan.

Ayon kay Ric Rivera, ng PASADA CC, mas peligroso ito dahil maraming driver ng mga colorum na sasakyan ang sumusuway sa itinakdang health protocols ng gobyerno.

Aniya, may posibilidad na lalong kumalat ang COVID-19 kapag pinili ng mga pasahero na makipagsiksikan sa mga colorum na sasakyan dahil hindi umano sumusunod ang mga ito sa ipinatutupad na health protocols ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Tinatayang mayroong 12,000 na colorum na sasakyan ang pumapasada ngayon sa iba’t ibang lugar.

Sa kasalukuyan, 70% lamang ang pinapayagang kapasidad sa mga PUV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.