Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kompanya buking sa bakuna modus

0 304

Nagbabala si National Task Force Against COVID-19 at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga pribadong kompanya na huwag magbebenta ng coronavirus vaccine sa mga maliliit na kompanya.

Kasunod ito ng ulat na nag-aalok na umano ang mga malalaking kompanyang pumasok sa tripartite agreement sa gobyerno sa mga mailiit na kompanya ng bakuna sa mas mataas na presyo.

Bultuhan umano ang order ng mga pribadong kompanya na pinayagan ng gobyernong makabili ng COVID-19 bakuna sa pamamagitan ng pinasok na kasunduan.

Sinabi ni Galvez na malinaw ang kontratang pinirmahan ng mga kompanya at may katapat itong parusa kapag hindi sumunod sa kasunduan.

SM food to go Banner Ad

“Napaka-klaro po ng provisions ng Republic Act on National Vaccination Program, nakasaad doon na there will be no resale,” ani Galvez.

Binigyang-diin ni Galvez na hindi pang-commercial ang COVID-19 bakuna at kaya pinayagang makabili ang mga pribadong kompanya ay dahil sa emergency use para sa kanilang mga empleyado.

Papatawan aniya ng parusa o multa ang mga kompanyang mapatutunayang nagbebenta ng bakuna at inabisuhan na ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na bantayan ang kanyang hanay na gustong sumakay sa kontrata para kumita.

“Nasa contract po na walang resale at saka at cost ang ano po natin. They have to police their own ranks. Tinitingnan namin na dapat masunod ang kontratang pinirmahan ng tripartite,” dagdag ni Galvez.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.