Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kompanya na protocol pasaway yari sa Marikina

0 95

Planong patawan ng parusa ng Marikina City government ang mga business establishment na mabibigong sumunod sa mga panuntunan ng pamahalaan laban sa overcrowding upang hindi kumalat ang COVID-19.

Ito ang sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, kasabay ng pagkumpirmang dinadagsa ngayon ang Marikina Riverbanks matapos ibaba sa alert level 2 ang quarantine status ng Metro Manila.

“Totoo po ‘yon, nangyari po ‘yong pagdagsa ng mga tao. Siguro dahil sa excitement nila. ‘Yong Riverbanks po ay hindi lang mga taga-Marikina ang pumupunta dito, pati ‘yong mga karatig-bayan katulad ng Cainta, Antipolo, Quezon City and ilang taga-Pasig.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maglalabas umano sila ng ordinansa ngayong linggo na magpapataw ng parusa sa mga negosyong lalabag sa IATF protocol hinggil sa dami ng mga puwedeng pumasok sa isang establisimiyento.

Makikipag-usap din siya sa pamunuan ng Ri­verbanks upang hilinging maglagay ito ng admi­nistrative at engineering controls para malimita ang pagkukumpulan sa lugar. (Edwin Balasa/Riz Dominguez/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.