Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kompanya pipiliting mag-recycle

0 204

Naghain ng panukala ang isang mambabatas upang magkaroon ng mas malaking responsibilidad ang mga kompanya sa plas­tik na ginagamit sa kanilang mga produkto.

Sabi ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar, inihain niya ang House Bill 10498 mata­pos ang konsultasyon sa iba’t ibang organisasyon kaugnay ng plastic at solid waste management ng bansa.

Ayon kay Villar, nakakabahala na ang Pilipinas ay ikatlo sa pinakamalaking nagdaragdag ng polusyon sa mundo, sunod sa China at Indonesia. Umaabot sa 2.7 milyong metriko tone­ladang basurang plastik ang nalilikha sa bansa kada taon.

Sa ilalim ng panukalang Extended Producer Re­sponsibility Act, bubuo ng mekanismo upang mabawi ang plastik na ginamit sa mga produkto.

Ang mga makokolek­tang plastik ay ire-recycle upang muling magamit at mapakinabangan.

Ang mga imported namang makinarya na kakailanganin ng mga kompanya sa recycling ay bibigyan ng tax exemption. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.