Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga komunistang-terorista, Valbuena binanatan ng NTC-ELCAC

0 47

Pinalagan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang paratang ng mga komunistang-terorista hinggil sa iregularidad sa halalan.

Sinabi ni Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales, acting Spokesperson ng Legal Affairs, ng NTF-ELCAC kahapon na ang iginigiit ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na dayaan at iregularidad sa halalan ay propaganda lamang upang udyukin ang taong bayan na sumama sa kanila.

“Ayaw nila ang nanalo sa May 9, 2022 presidential and vice-presidential elections,” ang sabi ni Gonzales, “sapagkat ang ibinoto at ipinanalo ng mga Filipino ay hindi kandidato ng CPP-NPA-NDF.”

Aniya, ang pahayag ng mga komunistang-terorista na idinadaan pa sa tagapagsalita “kuno” nitong si Marco Valbuena ay “pawang mga kasinungalingan.”

Sinasamantala umano ang sitwasyong ito ng CPP-NPA-NDF upang makapag-recruit pa ng mga kabataang nabubulagan sa kanilang mga kasinungalingan.

Hahadlangan naman aniya ito ng NTF-ELCAC upang mailigtas at hindi malinlang ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante sa mga unibersidad.

“Tama na ang pagbabalatkayo ninyo! Buking na buking na kayo!,” dagdag pa ni Gonzales.

Leave A Reply

Your email address will not be published.