Abante Tonite Interactive

Mga kongresista sa PDP-Laban aprub kay Cayetano

388

Kahit mula sa Nacionalista Party ay suportado ng mga kongresista mula sa PDP-Laban, sa pangunguna ni Rep. Ronnie Zamora, Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II, Rep. Abraham Tolentino at Rep. Dan Fernandez, sa pagka-Speaker si Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Congressman Zamora (Lone District of San Juan), nagdesisyon siyang suportahan si Cayetano dahil alam niyang siya ang pinakaku­walipikadong Speaker kumpara sa ibang mambabatas na nagnanais na mamuno sa House.

Sinabi naman ni Congressman Gonzales (Lone District of Mandaluyong) na ang kailangan sa Kamara ay hindi lamang malapit sa Presidente kundi meron din itong kakayanang mamuno, bukod pa sa magandang track record sa serbisyo publiko.

Giit naman nina Cong. Tolentino (7th District, Cavite) at Cong. Dan Fernandez (1st District, Laguna), naghayag na ng suporta ang karamihan ng PDP-Laban solon kay Cayetano dahil nais nila na ang mamuno sa Kamara ay taong mapagkakatiwalaan.

Kumpiyansa ang mga kongresista na madadala ni Cayetano sa mas maayos na kalagayan ang legislative agenda ng Pangulo dahil parehong nakalinya sa iisang direksyon ang kanilang pana­naw patungo sa maayos at komportableng buhay ng Pilipino.