Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga korap jobless sa Pasko – Duterte

0 237

Magiging malungkot ang Pasko ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na mapatutunayang sangkot sa korapsyon.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng kanyang gabinete sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Pangulo, may mga nauna nang sinuspinde ang Office of the Ombudsman mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at mayroon pang susunod ngayong Disyembre.

Bukod sa suspensiyon at pagkawala ng trabaho, tiniyak ng Pangulo na masasampahan ng kaso at makukulong ang mga korap sa gobyerno.

“The next round will be by December. Many will lose their jobs. Many will be separated from the government. Many will face prosecution and many will go to jail,” anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya kuntento na suspindehin lamang at sampahan ng kasong administratibo ang mga korap na opisyal at kawani dahil gusto niyang makitang nakakulong ang mga ito para magsilbing leksiyon sa mga nais gumawa ng katiwalian.

“Dito sa administrative sa Customs, I’m not satisfied. There has to be a law being ..gusto ko criminal pati administrative,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.