Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Korean singer tsugi ang kanta sa Spotify

0 285

Parehong naglabas ng kanilang official statement ang Kakao M at Spotify sa biglaang pagkawala ng mga songs at discographies ng mga Korean artists sa online platform na Spotify.

Nagulat na lang ang karamihan noong February 28 ay hindi na makita sa Spotify ang hundreds of contents from Korean singers.

Ayon sa statement ng Kakao M, ang leading music distributor from Korea, ang Spotify raw ang hindi na nag-renew ng license.

“Unrelated to our preexisting global licensing agreement with Spotify, Kakao M has been separately negotiating with Spotify regarding a domestic contract for the supply of music. Unrelated to the domestic contract, which we are still negotiating, we separately received notice of the expiration of our license on February 28, and we requested a renewal of our existing global contract.”

“Due to Spotify’s policy that they must proceed with the domestic and global contracts at the same time, our global contract has currently expired. We are currently continuing our negotiations about the supply of music.”
Taliwas naman ito sa claim ng Spotify na “We have been making efforts in all directions over the past year and a half to renew the global licensing agreement so that we could continue to make Kakao M artists’ music available to fans all over the world, as well as our 345 million users in 170 different regions. However, in spite of this, we were unable to reach an agreement about renewing our global license.”

Nilinaw rin ng Spotify na wala raw kinalaman ang expiration ng licensed nila sa recent launch ng South Korea own streaming service, ang Melon na masasabing direct competition ng Spotify sa South Korea mismo.

Sa lahat ng ito at mababasa rin sa mga comment ng netizens na mga fan ang maapektuhan pag hindi magkakaayos ang Kakao M at ang Spotify .

Sa statement pa rin ng Spotify, umaasa pa rin sila na mauuwi pa rin sa maayos ang usapan. At muling maibabalik ang hundred of titles ng Korean content.

“We feel that this situation is deeply unfortunate for many artists, as well as fans and listeners all over the world, and we sincerely hope that we will be able to quickly resolve the current situation. We will continue to do our utmost so that we can keep working with Korean rights holders, including Kakao M, and help both the Korean music market and overall streaming ecosystem grow together.

Ang Kakao M ang may pinakamalaking share ng Korean music. Sa Gaon Charts na lang, ang 37.5% ng Top 400 songs ng 2020 ay galing sa release ng Kakao M.

Kaya nga raw, malaking kawalan din ang pagkawala nito sa Spotify and K-pop fans na gumagamit ng naturang service. At ilan sa mga Korean artists na masasabing naapektuhan at nawala ngayon ang mga contents nila sa Spotify ay sina IU, Lee Seung Gi, SEVENTEEN, NU’EST, MAMAMOO, Epik High, CL, GFRIEND, MONSTA X, Apink, THE BOYZ, Sunmi, (G)I-DLE, LOONA, SF9, HyunA, 4Minute, VIXX, INFINITE, Dreamcatcher, MOMOLAND, ASTRO, Zico, Block B, BEAST, Jessi, WJSN, AOA, BTOB, Golden Child, VICTON, Lovelyz, PENTAGON, ONEUS, Hyolyn, KARD, Brave Girls, CNBLUE, DIA, Younha, SECHSKIES at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.