Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Koreano maginoo

0 124

Hindi man pinalad sa dalawang laban kontra Gilas Pilipinas sa 30th FIBA Asia Cup Qualifiers 2021 third and final window sa Clark, Pampanga, hindi naman ito naging dahilan para maipakita pa ng South Korea ang pagiging tunay na sport.

Matapos ang kanilang laro huling nitong Linggo, nilinis pa ng Koreans ang kanilang dugout sa kabila ng sinapit sa mga kamay ng Nationals. Maayos pa rin nilang iniwan ang kanilang mga kwarto.

Ibinahagi sa social media ni Aldo Tong ang larawan ng malinis at maayos na dugout na ginamit ng team.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Caption ni Tong, “Thank you Philippines from South Korea. Despite the loss, no hard feelings.”

Hinangaan ng mga namamahala sa Angeles University Foundation gym ang ginawa ng mga Koreano.

Anuman ang naging initan sa loob ng court, malinaw na labas naman sa ibang bagay. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.