Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga kriminal dapat takot sa susunod na presidente – Duterte

0 50

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging bagong presidente ng bansa na ipagpatuloy ang sinimulan niyang maigting na kampanya kontra droga.

Kasabay nito, sinabihan din ng pangulo na siguruhing hindi kurakot ang itatalaga na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pangulo, masasawata ang mga kriminal kapag takot ang mga ito.

“`Yong bagong president, mag-create ka lang ng whatever or how you do it, but itong sa law and order, crime and criminality, kailangan magkaroon ito ng mga takot eh,” wika ng pangulo.

Bilin pa nito na hindi dapat kurakot ang magiging pinuno ng PNP.

“`Pag korap sa taas, korap lahat `yan. Hindi mo mapigilan `yan. `Yan ang tandaan ninyo,” dagdag ni Pangulong Duterte. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.