Abante Tonite Interactive

Mga lalaking ‘di maingat sa balat mabilis kapitan ng kanser

By
180

Paalala sa mga boys!

Huwag ninyong kontrahin kung conscious man ang mga kababaihan sa kanilang mga skin, lalo na sa pagla­lagay ng sunblock dahil hindi lang ito proteksyon sa kanilang mga balat kundi epektibo ring paraan para hu­maba pa ang kanilang buhay.

Ito ay kasunod na rin sa resulta sa isang pag-aaral na maraming mga kalalakihan mula pa sa mga mayayamang ­bansa ang namamatay dahil sa skin cancer.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid na mula noong 1985 ay bumaba ang bilang ng mga babaeng dinadapuan ng kanser sa balat, taliwas sa paglobo ng mortality rate sa mga kalalakihan.

Sa pahayag sa AFP ng lead researcher na si Dorothy Yang, isang doktor sa Royal Free London NHS Foundation Trust na nakabase rin sa London, bagama’t hindi pa malinaw ang rason sa discrepancy sa mga babae’t lalaki ay lumalabas na isa sa mga dahilan ng mabilis na pagtama ng skin cancer sa mga kalalakihan ay dahil na rin sa pagbalewala ng ilan hinggil sa paggamit ng proteksyon sa araw.

“Reasons for the discrepancy between sexes are unclear but evidence suggests men are ‘less likely to protect themselves from the sun’ or heed public health warnings,” sambit ni Yang.

Ayon sa US Centers for Disease Control (CDC), mahigit sa 90% ng melanoma cancer ay dulot ng pagkasira ng skin cell mula sa pagbi­bilad sa araw at iba pang sources ng ultraviolet (UV) radiation.

Sa pagsusuri ay lumutang na 8 sa 18 iba’t ibang bansa sa nakalipas na tatlong dekada ay natukoy na mara­ming lalaki ang natotodas dahil sa skin cancer kabilang na ang mga bansang Ireland at Croatia, na nadiskubreng dumob­le ang bilang ng nasasawi.

Bukod dito’y nakitaan din ng nasabing kaso ang mga bansang Spain at Britain na may 70 porsiyento, The Nether­lands (60%), France at Belgium (50%) gayundin ang US (25%). ­