Abante Tonite Interactive

Mga laro sa NCAA volleyball pinagpaliban uli sa ashfall

0 200

Dahil sa masama pa rin ang panahon dulot ng ashfall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas, kanseladong muli ang mga laro ng NCAA Season 95 women’s indoor volleyball ngayong araw (Martes) at pati bukas (Miyerkoles).

“Due to the recommendation of the NDRRMC to suspend classes and work in affected areas of the NCR, Calabarzon, and Region 3, and the suspension of classes in Taytay and Parañaque, the 9th NCAA Volleyball Games scheduled for tomorrow are cancelled. Games will resume on Thursday, January 16, as scheduled. Thank you,” pahayag nitong Lunes ni VB event chairman Hercules Callanta.

Nakatakda sanang maglaro ngayon ang LPU Lady Pirates-EAC Lady Gene­rals at susundan naman ito ng bakbakang CSB Lady Blazers at SSC-R Lady Stags.
Sa Miyerkoles naman magtatapat sana ang UPHSD Lady Altas-defending champion Arellano Lady Chiefs at Letran Lady Knights-Mapua Lady Cardinals. (Aivan Denzel Episcope)